Pansin ko Lang
La lang. Last 3 posts ko lahat may list.
Nasa uso kasi yan eh.
Gusto ko lang magupdate kaya ko to pinost.
DORM LIFE again.
Ayun andito na naman ako sa dorm, pero for this summer lang naman. Maraming nakikilalang mga tao. Boys, Girls, Bakla ala pang Tomboy, maraming baboy at amoy unggoy (o mukhang unggoy). Meron din pala ditong mga matatandang teachers na nagtitraining ata. Tawag ng mga kakilala ko sa kanila mga “Thunders”.
Recently mukhang napapansin ko na naiirita na yung isa kong roommate saken. Eh ala kasi akong pakialam kung malakas ang music ko. Kaya ayun napapaheadphones na lang tuloy sya lagi.
La ako maisulat na iba. Next time na lang ulet.
Panaghoy sa Uma
Kung magkakaron man ng bagong pelikula na magandang entry sa susunod na MMFF, sigurado papatok tong Panaghoy sa Uma. Sigurado din na maghahakot ito ng mga parangal.
Pupuwede ang istorya nito ay magkahalong historical-sexy comedy with a pint of drama. Ala Disaster Movie pero sigurado ako di ito magiging disaster.
Kapag kumita ng todo todo itong pelikulang ‘to, syempre magkakaron din ito ng remake as teleserye. Kapag nangyari yun, syempre ‘di mawawala dyan ang mga Panaghoy sa Uma collectibles.
Aotiannu: Ang Itim na Brief
Habang nagaayos ng aking mga gamit na dala ko galing sa aming probinsya napansin ko ang isang itim na brief na may tatak na “Aotiannu”. WTF! na lamang ang aking mga nasambit dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng brief. Sabi ko malamang brief ito ng aking pinsan o kaya nung tito ko na nasa nakikitira sa bahay namin. Bakit kaya iyon napunta sa aking mga gamit? Hindi ko lang alam pero iyon ay bagong bago lamang kaya hinanap ko kung may kapareho pa siya baka siguro binili ng aking nanay. Ngunit ako’y nabigo sa paghahanap ng kanyang mga kapamilya. Malamang ito ay limited edition brief na galing sa isang banyagang designer na nagngangalang Aotiannu.
May bumabagabag sa aking isipan kung gagamitin ko ba ang brief na iyon. Malay ko bang ito ay ginamit na ng isang taong may buni at ako’y mahawaan pa. Pero dahil malakas ang pakiramdam ko na siguro ito ay isang mahiwagang gamit na may itinatagong lihim na kapangyarihan, kaya ko gusto ko itong ipagamit muna sa ibang tao. Katulad na lamang ng Itim na Blusa na nagbibigay kagandahan.
Childhood Salubong Memories
Naalala ko yung salubong tuwing madaling araw ng Easter Sunday. Isang beses pa nga ay nakasali ang isa kong younger sister bilang isang easter angel. Tanda ko pa na minalas nga siya nung day mismo ng salubong dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan may tae yung pedestal na tatayuan nya. Ayun, kinailangan pa naming linisan kahit amoy na amoy pa rin after naming alisin.
Ang mga sumusunod ay mga sights and experiences ko tuwing salubong na tumatak na isipan ko:
1. Mga batang di ko maipaliwanag kung nag iisleep walk ba sila dahil o lasing. Makikita mo kasing di straight ang paglakad nila may sayad effect pa ang mga paa na animo’y may hinihila.
2. Mga ‘di kanais nais na amoy. May mga tao kasing sa sobrang excitement nakalimutan na ata nilang maligo man lang.
3. Mga matang may mga muta pa sinabayan pa ng natuyong laway sa pisngi. Sigurado mas excited sila, maghilamos man lang di nga nila nagawa. Ano kaya amoy ng hininga ng mga taong ito?
4. Mayayamang akala mo kung sino na sila. Tinataboy pa ang mga mahihirap na kagaya namin. Kala mo kung sila lang ang pedeng manood. Pagawa din kaya sila ng sarili nilang salubong.
5. Mga taong kagaya ko na lahat na lamang ay napupuna sa paligid. Wala ng naisip pero puro mga kamalian ng kapwa. O baka isa ka na din dun.
Psssst! Karma Whore at Desperado sa Badge!
Bababala ang post na ito ay para lamang sa karma whores at plurkers na desperadong magkaroon ng badge. Reader discretion is advised.
Binalaan na kita. Kung gusto mong basahin, bahala ka. Reader beware you’re in a scare. nyak..goosebumps
Anyway, kung isa kang plurker at desperado kang magyabang sa mga kaplurks mo. Ang solusyon dyan ay dayain mo na si Plurk Buddy.
Turuan kita ng mas madaling paraan ng paggawa ng fake accounts.









































